Talaarawan
stevensaril:

would you?…

stevensaril:

would you?…

:’)

:’)

Monday, March 14, 2011

2:00pm. Surprise! O diba.. May post ako after almost 1 month!

Wala lang. Ganun parin at sobrang busy ng aking buhay.

Nag snowboarding kami ni Catherine kahapon, mga 12pm-6pm. Tapos nun e nanood ng Disney Cars (napanood ko na rin sa wakas!!).

Yun lang po. Babay.

Tuesday, February 22, 2011

11:58am. Hello! Wala lang. Gusto ko lang malaman ng lahat na buhay pa ako. Sobrang busy nga lang. =[

Wala pa ring epekto ang pag-eexercise ko. Pano ba naman e puro kain sa labas. Fast food, korean BBQ, at kung ano ano pa.

Nagshopping kami ni Catherine ng sangkatutak na damit! Bumili ren ako ng mga weights pang exercise.

Wednesday, February 9, 2011

5:47pm. Hindi ko pala nabanggit na dalawang araw pagkatapos ng kaarawan ng aking nanay e kaarawan ko naman. Ang ibig sabihin ko ay birthday ko kahapon (surprise!!!).

Sa pagdating ng hatinggabi e binati ako ni Catherine sa pamamagitan ng pag-tackle sakin sabay kanta ng happy birthday. Nakakatuwa nga e. May pahabol pa na ‘and many more.. On channel 4..’ Very nice! I like!

Sa umaga, wala akong naramdaman na special. Siguro dahil nasa trabaho lang ako simula alas ocho hanggang alas singko.

Sa gabi naman e kumain kami ni Catherine sa isang sushi place na may conveyor belt (astig). Masarap yung sushi pero mas masarap yung last greeting of the day. Ang galing no? 1st and last greeting e galing kay Catherine (smile).

Nag-eexercise na pala ako ngayon. Ang laki laki na kasi ng aking tiyan. Nakakahiya na. Siguro goal ko pumayat para pag summer na e hindi naman ako mahiya kapag nasa beach.

O dito na lang muna at mag-eexercise na ako. Wish me luck!

Monday, February 7, 2011

8:19am. Haaay.. Lunes na naman. Panibagong linggo at balik na naman sa trabaho. Hindi ko alam kung pagod o tinatamad lang ako. Marami kasing mga activities nitong dumaang weekend e.

Nag-casino Huwebes ng gabi. Talo sa blackjack potek!

Kaarawan ng kaibigan ko naman nung Biyernes ng gabi. Hindi ako uminom pero kumain ako ng marami hehe.

Sabay gising ng alas otcho ng umaga. Sabado. Dumalo kami ng Catherine ng CLP. Tsaka ko na ie-explain.

Linggo. Kaarawan ng aking mahal na ina! Nag handa ang aking mga magulang ng Jollibee (wow!). Nagdala naman ako ng pizza, chips, at cake. Buti naman at marami rami ang dumalo. Kinagabihan ko lang kasi tinext ang aming mga kamag-anak.

Oo nga pala! Naglaro kami ni Catherine ng Game of the Generals. Hindi ko na alam kung ilang dekada na ang nakalipas nung huli kong nilaro yun. Ang sarap ng feeling! Nakakakaba talaga yung larong iyon. 1st time ni Catherine maglaro pero parang bihasa na kung umatake. Hehe. Salamat rin pala sa kanya dahil siya ang nagbigay ng idea na ako ang mamahala ng party ng nanay ko.

Hala! Ang haba! Ok bye.

Thursday, February 3, 2011

12:51pm. Inaantok ako!!! Bwisit.. Ayoko na magtrabaho. Gusto ko na kumain. Gusto kong matulog. Kahit ano basta hindi dito sa opisina.

(buntong hininga)

Ok. Tapos na po ako mag vent. 2pm pa kasi lunch break ko e. Hmm, ano kaya kakainin ko?

Wednesday, February 2, 2011

8:34am. Sa wakas! Simimulan ko na rin ang aking talaarawan (naks!). Dapat kahapon pero hindi ko maisip kung ano ang gagamitin kong medium. Naisip ko magsulat sa kwaderno pero pangit penmanship ko eh. Dapat sa Microsoft Word na lng and then a better idea (lightbulb!).. tumblr.

Nagsimula ang ideang ito dahil kasalukuyan kong binabasa ang bagong libro ni Bob Ong (purple book) na journal style ang pagsulat. O sige! Dito na lng muna at gagalaw nako dito sa trabaho ko.